Lunes, Enero 16, 2017

Pagsusuring basa sa "Handa Akong Mamatay" ni Nelson Mandela





Handa Akong Mamatay

Isinalin ni Doyle Camba
Mula sa "I am Prepared to Die" ni Nelson Mandela
Sinuri ng Grupong Lionel mula sa Pangkat ng 10-Maxwell 



1 . PAGKILALA SA MAY AKDA 

       Si Nelson Rolihlahla Mandela pinanganak noong Hulyo 18, 1918 ay isang politiko na naglingkod bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng Pambansang Kongresong Aprikano (ANC). Ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang talumpating ito ay dahil sa mga masasamang nararanasan ng mga tao sa Aprika na patuloy na naghihirap, hindi makamit ang inaasam na kalayaan at hindi pantay na pagtingin sa bawat isa. Si Mandela ay naging isang malawakang pigura sa laban sa apartheid. Nang simulang ipatupad ang apartheid system, nakilala naman si Mandela dahil sa "Defiance Campaign" ng ANC noong 1952. 

          Ilang beses siyang inaresto sa akusasyon ng sedition at nilitis sa Treason Trial noong 1956-1961 pero napawalang sala. Si Mandela ay co-founder ng militant group na Umkhonto we Sizwe (MK) na nanguna sa bombing campaign laban sa gobyerno. Taong 1962 inaresto muli si Mandela at sa pagkakataong ito ay nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo sa pananabotahe at pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang gobyerno. Nakulong ng 27 taon si Mandela, una ay sa Robben Island bago nalipat sa Pollsmoor Prison at Victor Verster Prison. Sa kanyang 27 taon na pagkakakulong halos ang kabuoan ng panahon ay ang pananatili sa Pulo ng Robben. Dahil sa international campaign para sa kaniyang paglaya, nakalabas ng kulungan si Mandela noong 1990. Pumanaw si Mandela dahil sa impeksiyon sa baga noong Disyembre 5, 2013, sa kanyang tahanan sa Houghton, Johannesburg kapiling ang kanyang pamilya. Siya ay 95 na taong gulang noong sya ay pumanaw na. Habang siya ay nabubuhay pa ay lagi niya pinaglalaban ang pag alis ng diskriminasyon at ng sistema ng apartheid sa kanilang bansa. Naranasan nya at nandun sya mismo nakikita ang paghihirap ng kanyang kapwang Aprikano kaya niya naisulat ang talumpati na nagsisiwalat nang masamang gawain ng mga puti sa mga Aprikano at nagpapakilos sa kapwa Aprikano na huwag din matakot na ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan dahil sila ay ang bumubuo at pumipili ng mamumuno at sila ang nagdedesisyon kung sino ang nararapat mamuno. Isinalaysay niya ang talumapti sa harap ng madaming tao sa panahon ng kanyang pamumuno. 


2. URI NG PANITIKAN 

          Ang uri ng panitikan na ginamit sa 'Handa Akong Mamatay' o 'I am Prepared to Die' ay isang talumpati. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinaparating sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. 

         Ang talumpati na ito ay isang talumpati na may paghahanda na nais magbigay kaalaman sa kanyang tagapakinig tungkol sa kalagayan ng kanilang bansa. Ang kanyang talumpati ay kanyang sinaulo at binasa bilang sangunian. Nagkapagbigay din sya ng mga mahahalagng impormasyon bilang isang patunay sa kanyang mga sinabi na ito ay totoo. Halimbawa ang impormasyon na "Ayon sa datos na ayon sa South African Institute of Race Relation 1963 na noong 1960 at 1961, ang ginagastos ng pamahalaan sa bawat African na mag-aaral ay tinatayang R12.46. Sa parehong mga taon, ang ginagastos para sa mga batang puti sa probinsya ng Cape ay R144.57". Gumamit siya ng mga angkop at mga salitang madaling maiintindihan ng kanyang mga tagapakinig.


3. LAYUNIN NG AKDA

          Ang talumpati ni Nelson Mandela ay naglalayon na ipaalam sa mga mamamayan ng Aprika, sa mga puti at sa mga ibang bansa na may mga mas malala pang anyo ng diskrminasyon na nangyayari sa kanilang bansa. Layon din nitong magpakilos at manghikayat sa tagapakinig na ipaglaban ang kanilang kalayaan at huwag manatiling magpakontrol at magbulag-bulagan sa mga pang aalipin na ginagawa ng mga puti sa mga itim sa mismong bansa nila. At gayon na din para sa mga puti na itigil ang ganitong patakaran at diskriminasyon dahil hindi naman mahirap ibigay ang kanilang hinihinging kalayaan at pantay na pagtitingin at sa mga taga ibang bansa na itigil na ang ganitong mentalidad na ang kulay ng balat ang basihan ng kung sino ang mas angat at kung sino dapat ang nasa ibaba.

          Mailalapat ang Teoryang Sosyolohikal sa talumpati. Ang teoryang ito ay naglalayon ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. At ito ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento, ang talumpati rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Ito nga ang malalang diskriminasyon at pagmamalabis ng mga puti sa kanilang kapangyarihan na ihiwalay at pababain ang mga itim sa kanilang lebel. Ang Teoryang Realismo ay maaari ring ilapat sa talumpati dahil pinakita dito ang mga karanasan at nasasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan. At iyon nga ang may akda ay isa sa mamamayan at dating presidente ng Timog Aprika kung saan ito ay nakakaranas ng hindi pantay na karapatan sa mga itim at ang patuloy na pagtanggal ng mga puti sa dignidad bilang tao ng mga mamamayan ng Africa sa pangingibabaw ng kapangyarihan ng puti sa mismong bayan ng mga itim. Ang Teoryang Marxismo na kung saan ito ay nagpapakita na ang tao ng bansang Africa ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika sa sarili nilang bayan.


4. TEMA O PAKSA NG AKDA 

          Ang tema ng talumpati ni Nelson Mandela ay tungkol paglalaban at pagbubunyag sa hindi makatao at diskriminasyon ng mga puti sa mga Africano sa kanilang sariling lupa. Isinalaysay ni Nelson Mandela ang iba't ibang punto kung saan sa kanila mismong lupa ay hindi sila nagiging malaya. Kanyang ibinahagi na ang mga Africano ay hindi sapat ang kinikita, biktima ng malnutrisyon at iba pang sakit, kapos sa edukasyon at hindi naitatrato ng ayon sa batas, ito ay sa kadahilanang ang mga puti ay mas piniling gipitin ang mga Africano kaysa na tulungan sila sa kanilang sariling lupa. 


5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA 

          Ang mga karakter sa akdang ito ay hindi mga fictional characters bagkus, ay mga totoong tao na nakaranas ng mga nasabing pangyayari sa akda ng "Handa akong Mamatay" ni Nelson Mandela. Ang mga Europeo ay ang nang-api sa mga katutubong Aprikano, sila ang pinakanaapektuhan noong mga panahon na ito dahil sa diskriminasyon na makikita kalimitan sa trabaho at paaralan. Isa ring bahagi ang misyong may-akda dahil siya ay lumalaban para maisaayos ang batas na umiiral sa kanilang bansa. 


6. TAGPUAN/PANAHON 

          Ang mga pangyayari sa akda ay nangyari noong 1961 sa bansang South Africa. Maaaring maraming taon na ang nakalipas nang mag-umpisa sa bansa nila ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa mamamayan ng kanilang bansa kaya sinusubukan nilang baguhin ito noong Hunyo, 1961 sa polisiya ng National Liberation Movement (NLM).


7. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI 

          Habang binabasa ang tula ay mapapansin mo na sa simula ay tila mababaw pa ang pinaglalaban ngunit palalim na ng palalim at patindi ng patindi ang mga pahayag ng talumpati laban sa mga puti habang tumatagal ang pagabsa sa talupating iyon. Ang nilalaman ng talumpati ay ang ukol sa hindi pagpantay ng karapatan ng mga Aprikano at pagkakaroon ng diskriminasyon sa kanila. Ninanais ng tagapagsalaysay na maging pantay-pantay ang karapatan ng mga Aprikano sa bansa. Dahil doon, karamihan ng mga bata ay hindi makapag-aral at hindi makapagtrabaho ayon sa kanilang kapabilidad. 

          Ang suliraning ito ay pangkaraniwan at nangyari pa ito mula noong ginagawang alipin ng mga mananakop ang mga Aprikano at nung panahon pa ng pananakop ng mga kanluraning bansa. Ngunit ang talumpating katulad na ito ay hindi pangkaraniwan dahil unti lang ang may lakas na loob ipaglaban ang kalayaan at ibulgar ang mga kasamaan at pang aaliping ginagawa ng mga puti sa mga itim, dahil sa takot. Positibo ang talumpati at naglalaman ang talumpati ng tahasaang paglalaban ng kalayaan, pantay na karapatan at pag takwil ng diskriminasyon. 


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA 

          Ang mga sumusnod ay ang kaisipan o ideyang nakapaloob sa talumpati:

  • Huwag matakot na ipaglaban ang sa tingin mong tama kung ito ay makakatulong sa nakararami. 
  • Hindi magandang basihan ang kulay ng isang tao kung paano siya dapat tratuhin dahil tayong lahat ay pantay-pantay sa paningin Niya kaya hindi dapat tayo nangmamaliit sa iba at mang apak ng kanilang pagkatao. 
  • Kailanman ay hindi uunlad ang bansang walang kalaayan sapagkat nagsisilbi ang bansang iyon na lumpo o manika na kontrolado ng iba. Masasabing maunlad nga ang bansang iyon kumpara sa ibang bansa ngunit kung ikukumpara ito sa kalayaan ay talong talo ito, kung ikukumpara ang mga mamamayan ng bansang iyon sa mga puting mananakop. Ang pagtutulungan ay isang rebolusyon sa mga puti ngunit sa itim ay isa itong paglaban sa demokrasya at dito takot ang puti. 

9. ISTILO NG PAGKASULAT NG AKDA 

          Sa unang pagbasa palang ay mauunawaan agad ng mga mambabasa ang gustong ipahayag ng may akda dahil sa simula palang ay makikita na nating may gusto siyang ipaglaban at yun ay ang kalayaan. Ang istilo ng pagkakasulat na ginamit ni Nelson Mandale sa kanyang akda ay maramdamin, seryoso at masasabing may ipinaglalaban dahil ang pakiramdam niya na ang kanyang kagustuhan at ng kapwa niyang Aprikano ay ang kalayaan o maging malaya sa sariling bansa. Dahil sa talumpating ito ipinapakita na ang mga itim o mga Aprikano ay hindi malaya o kontrolado ng pang aalipin ng mga puti dahil sila ay nakakulong sa mga makapangyarihan at ito ay ang mga puti. 

         Ipinapakita rin dito na gusto ng mga Aprikano na maging pantay ang patingin sa mga itim at puti ng walang minamaliit at walang naapakang pagkatao at magkaroon ng kalayaan sa sariling bansa, kaya ang mga Aprikano ay nawawalan na ng dignidad bilang tao dahil sa nararanasan nila na dulot ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga puti at ang pahayag na ipinaglalaban sa talumapti ay totoo at hindi gawa-gawa lamang na paghihirap, ito ay nangyayari at kanyang nakikita at napapansin sa kanilang lipunan.


10. BUOD 

          Ang Africa ang isa sa pinakamayamang bansa sa mundo ngunit ang mga puti ang nakikinabang sa yaman nito, hindi ang mga nakatira na mga itim o Africans. Ang pagtatrato sa mga itim at mga puti ay magkaiba. Masama ang tingin sa mga itim at mabuti tingin sa mga puti. May malaking pinagkakaiba sa pagtatrato ng pamahalaan sa itim kung ikukumpara sa mga puti na sinasabi na malaking hadlang sa paglago ng ekonomiya. Una, ang mga puti ay libreng mag aral mahirap man sila o mayaman, ang mga itim naman ay hirap makapasok sa isang paaralan at iilan lamang ang nakakagawa nito. Mayroon rin pinagkaiba sa kalidad ng edukasyon sa pagitan ng mga puti at itim. Ang sunod naman ay ang pagkakahiwalay ng trabaho na ayon sa kulay ng tao. Ang mga trabaho na matataas sweldo ay nakareserba para sa mga puti, at ang mga mababa ang sweldo ay para sa itim. Kung may kailangan kargahin o linisin ang isang lalaking puti, agad siyang maghahanap ng African upang gawin ito para sa kanya. At kung sa parehang larangan man, mas mataas parin ang sahod ng mga puti kesa sa mga itim. Ngunit walang karapatan na magwelga o mag rally ang mga itim sa pamahalaan sapagkat mayroon batas na hindi iyon pinahihintulutan na gawin ng mga itim. Mayroon rin tinatawag na passbook policy na kung saan ay pinahihintulutan nito ang pamamanman ng pulisya sa mga Aprikano kahit ano mang oras. Dahil dito maraming Aprikano ang ikinukulong. Dito makikita na ang nais lamang ng mga Aprikano ay maging pantay ang kanilang karapatan sa mga puti at nais nilang makuha ang bahagi nila sa Africa. Nais nilang patas na sahod na naaayon sa kanilang kapabilidad. Nais ng mga Aprikano na hindi sila ipatapon sa lugar na malayo sa kanilang trabaho. Nais nila na magkaroon ng sariling bahay kasama ang pamilya, hindi yung nagrerenta lang sila ng tirahan na kahit kailan ay hindi magiging sa kanila at marami pang karapatan na nais nilang makamit. Ngunit ang higit sa lahat, nais nila ay ang pantay na karapatan, dahil kung wala ang mga ito ay panghabang-buhay na magiging lumpo sila. Para sa mga puti sa Africa iyon ay rebolusyonaryo, sapagakat ang nakakaraming botante ay mga African. At takot ang puti sa demokrasya.